Una sa Balita

Apl.De.Ap magiliw sa mga Filipino

Young actress sinimangutan, pinagdabugan ang mga fan

By
0 3,539

Nakasabay ko sa Mabuhay Lounge ng Philippine Airlines noong Thursday night ang international Filipino-American singer/rapper na si apl.de.ap at in fairness to him, wala siyang kaere-ere.

Mukhang mag-isa rin siyang bibiyahe pa-USA that night. Habang kumukuha siya ng pagkain, may ibang mga pasahero sa lounge ang nag-excuse sa kanya para magpakuha ng picture kasama siya at pinagbigyan naman niya.

Natuwa nga kay apl.de.ap ang mga pasaherong ‘yon at nagkomentong bilib sila sa ugali ng international singer/rapper.

Malayo nga si apl.de.ap sa ibang mga celebrity na may pagkaisnabero. At least si apel.de.ap kahit na sikat worldwide, marunong makisama sa mga fan, huh!

Naalala ko tuloy ang kuwento tungkol sa isang young actress na pumayag ngang magpa-picture kasama ng mga fan, pero nakasimangot naman at halos magdabog dahil feeling niya ay naiistorbo siya ng mga ito.

Singer/comedian pinaglaruan ng mga fan

Pero may ibang mga fan naman na may pagkamaldito, maldita, huh!

Hindi nga makalimutan ng isang singer/comedian ang bad experience niya sa ilang mga fan sa isang kilalang beach resort.

In-approach kasi ng mga ito si singer/comedian at gusto raw nilang magpa-picture.

Nang pumuwesto na si singer/comedian sa tabi ng mga fan, nagulat siya nang sabihin ng mga ito sa kanya na, “Ay, hindi ka kasama, magpapa-picture lang kami, ikaw ang kukuha ng picture namin!”

Nairita man si singer/comedian at feeling nga niya ay pinaglaruan siya ng grupong ‘yon, still, pinagbigyan niya ang mga ito at siya ang naging ‘photographer’ nila.

Ngayon, kapag may mga nagpapa-picture sa kanya, nililinaw na ni singer/comedian kung kasama ba siya sa picture-taking o siya ang magiging photographer!