Una sa Balita

Apl.de.ap excited nang mag-perform sa SEAG

0 496

Ang 6-time Grammy Award-winning American hip-hop group na Black Eyed Peas ay kabilang sa magpe-perform sa closing ceremonies ng 2019 Southeast Asian Games sa December 11 sa New Clark City Athletics Stadium in Capas, Tarlac.

Ang half-Pinoy na si Apl.de.ap (real name is Allan Pineda Lindo) at ang two members ng BEP na sina will.i.am (William Adams) and Taboo (Jaime Luis Gomez) ang magpe-perform kasama ang “The Voice of the Philippines” finalist Jessica Reynoso.

Ang lone female member ng BEP na si Fergie ay umalis na sa grupo noong 2018.

Excited na raw si Apl.de.ap na mag-perform sa naturang international sports event.

“I want to be part of this historical moment. The country’s hosting of the SEA Games only happens every 20 years and I’m just really proud of my country and I just really wanted to share my talent and what I can provide for this event,” sey ni Apl.de.ap sa signing of his pledge of support to the 2019 SEA Games.

Dagdag pa niya: “We’ve been on tour for two months and I asked the whole gang if they wanted to be part of it and we’re all very excited to perform and rock the stage for the opening and closing ceremonies.”

Tubong Pampanga si Apl.de.ap at committed din siya to perform sa 2019 SEA Games opening ceremonies sa November 30 sa Philippine Arena.

Naging malaking issue nga ang ibabayad diumano ng namamahala sa SEA Games na milyones bilang talent fee sa Black Eyed Peas at sa naimbitahan din na Fil-American singer na si Bruno Mars.

Aabot daw sa higit sa 50 million pesos ang talent fee ng mga international singers na ito. Isang bagay ito na tila ‘di makatarungan dahil sa presyo na ‘yan, ilang mahuhusay na OPM singers na puwedeng kunin to perform. Baka ‘yung iba ay libre pa dahil chance nilang makasama sa big sports event na ito.

Kailangan ba talaga ng international singers para sa event na ito? Pang-world class naman ang mga OPM artists natin, ‘di ba?

Nand’yan naman daw sina Regine Velasquez, Lani Misalucha, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Julie Anne San Jose, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Zsa Zsa Padilla, Nina, Aicelle Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, Erik Santos, Sheryn Regis, Rachelle Ann Go, Kuh Ledesma, at siyempre pa, si Lea Salonga na puwedeng magbigay ng kanilang time para sa event na ito at ‘di aabot sa sobrang laki ang ibabayad na puwede pa sanang magamit pa sa ibang mas importanteng bagay.

Pagkakataon na sana ito na ma-promote nang husto ang mga OPM singers natin na pinagmamalaki natin kahit saang sulok ng mundo. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy