Una sa Balita

Apelyido ng ina gamit sa NSO

0 406

Good day po, gusto ko po itanong kung ano pong dapat gawin kase po simula bata po ang asawa ko apelyido po ng tatay niya gamit niya dahil ang sabe at ang alam niya po e apelyido na ng papa niya ang gamit niya (patay na po mama niya bata pa lang siya) ngayon po 22 yrs. old na siya at kukuha na ng passport eh ang mga papeles niya simula bata id diploma sss philhealth pag ibig company id e apelyido ng papa niya, ngunit sa nso niya pala e apelyido ng mama nya ang nakalagay.

Paano po ang gagawin at gaano katagal ang proseso at makakamagkano po kaya? 

Maraming salamat po,
Nica

Ms. Nica,
Kinilala ba siya na anak ng tatay niya. May mga dokumento ba na nagpapatunay na siya ay anak ng kanyang ama. Ayon kasi sa RA 9255 8.1 As a rule, an illegitimate child not acknowledged by the father shall use the surname of the mother.

8.2 Illegitimate child acknow­ledged by the father shall use the surname of the mother if no AUSF (Affidavit to Use the surname of the father) is executed.

8.3 An illegitimate child aged 0-6 years old acknow­ledged by the father shall use the surname of the father, if the mother or the guardia­n , in the absence of the mother , executes the AUSF.

8.4 An illegitimate child aged 7 to 17 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father if the child executes an AUSF fully aware of its consequence  as attested  by the  mother or guardian .

8.5 Upon rea­ching the age of majo­rity, an illegitimate child acknowledged by the father shall use the surname of his father provided that he executes an AUSF without need of any attestation .

Kung kinikilala siya ng kanyang ama ay madali niyang maiaayos ang apelyi­do niyang gamit sunod sa kanyang ama. Ang asawa mo ay maaari nang gumawa ng Affidavit to Use the Surname of the father.

Dahil sa nairehistro na ang pangalan sunod sa apelyido ng nanay niya ngunit kinilala ng ama ay maaari niyang maisunod ang pangalan sa ama at mapa-annotate ito sa kanyang birth certificate. Ang Affidavit of Admission of Paternity , Private Handwritten Instrument na nagpapatunay na siya ay anak ng kanyang kinikilalang ama ay maaaring gamitin upang maisunod ang apelyido sa ama.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy