Una sa Balita

Apelyido ng ina ang gamit

0 407

Good day po Atty. Claire. Itatanong ko lang po sana kung ano ang puwedeng gawin ng magiging asawa ko. ‘Yung ginagamit niyang apelyido ay sa nanay niya sa birth certi­ficate niya pero ‘yung mga account niya po sa Pag-IBIG PhilHealth, SSS, and bank account sa trabaho niya ay apelyido ng tatay niya kasi po ‘di po niya alam na ang ginagamit niyang birth certificate sa trabaho ay peke pala. Nalaman lang po namin ngayon na peke kasi po nu’ng kumuha siya ng PSA which is ginamit niya po ay apelyido ng tatay niya pero ‘yung sa nanay niya po ‘yung lumabas. Lahat po ng ID niya ay apelyido ng tatay niya ang naka-register need po kasi namin pabago. Sabi po sa munisipyo ng Sta. Rosa, Laguna ay sa court pa namin ito mapapaayos. Wala naman po kaming kakayahang kumuha o magbayad ng isang abogado. Nagbabalak po kasi kami magpakasal kaso po problema po namin ‘yang PSA niya apelyido po ng nanay niya ‘yung lumalabas. Ang gamit niya po sa lahat ay amg apelyido ng tatay niya. Hindi niya na po kasi nakita ang nanay niya kase po sumama sa ibang lalaki.
Maraming salamat po Atty. Claire. Godbless po!
John Paul

Mr. John Paul,
Ang una kong tanong ay kailan siya pinanganak? Buhay pa ba ang tatay niya? Nagpakasal ba ang nanay at tatay niya matapos na siya ay ipanganak?
Lumalabas sa kuwento mo na ang tatay niya ang nag-alaga sa kanya dahil hindi na niya nakita ang nanay niya na sumama na sa iba. Kung kasal ang pa­rents niya matapos siya ipanganak ay maaari siyang mag-apply for legitimation. Hindi na kailangan na magsampa pa sa korte ng Petition to Correct the Surname. Kung hindi naman kasal ay maaari naman siyang mag-file ng Petition sa local Civil Registrar kung saan siya pinanganak (para mas mabilis) base sa RA 9255 kung saan gagawa ang tatay niya ng Affidavit to Use the Surname of the Father. Itanong lamang kung ang kanyang kapanganakan ay sakop ng nasabing batas dahil may binabanggit ang PSA ng cut off tungkol dito.
Kung kinakailangan talaga na sa korte ipa-correct ang surname dahil acknowledged naman siya ng tatay niya ay maaari namang dumulog sa Integrated Bar of the Philippines o kaya sa PAO para sa libreng serbisyong ligal. Maaaring magpadeklara na isang indigent litigant upang hindi na siya pagbayarin ng mga legal fees patungkol sa kaso.
***
Kung may katanugan pa ay tumawag lamang sa 410 7624/ 9220245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy