Una sa Balita

Apelyido ng anak paano malilipat sa ama

By
0 1,202

Dear Atty. Claire,

Magtatanong lang po sana tungkol sa kaso ng anak ko. 16 years old na po siya at nasa pangangalaga ko mula pa ng maliit siya at may ibang family na po ang nanay niya. Tanong ko lang po kung paano kung ma­lilipat ang apelyido ng anak ko sa akin kasi apel­yido ng nanay niya ang gamit niya po ngayon.Pero nung pinanganak ang anak ko ay may pirma naman po ako sa likod ng papel.

Dahil po di kami magkasundo ng nanay niya hanga ngayon ay di ko po alam plano ang gagawin ko para maayos ang birth certificate ng anak ko.

Ako naman po ang nagpapaa­ral sa ngayon kaya po tumagal at di naayos kakahintay ko po sa nanay niya na ayusin namin da­lawa pero parang wala po siyang balak ayusin at ok na sa kaniya nka apilyido anak ko lalake pa naman kawawa nman anak ko binata na. Hingi po sna ako ng payo ninyo.
FPJ

Mr. FPJ,

Dahil sa ipinanganak ang bata ng taong 2001 ay hindi na applicable ang RA 9255 kung saan gagawa na lamang sana ang Affidavit to use the Surname of the Father ang ama KUNG ang nanay ay pa­yag na gamitin ng apelyido ng ama. Ngunit kung hindi papayag ang na­nay sa ganitong sitwasyon ay hindi rin mapoproseso ang balak na magamit ng bata ang apelyido ng ama.

Ngunit may isang naging decision ang Supreme Court kung saan maaaring makapamili ang anak ng apelyido na gagamitin niya at hindi ang magulang ang magpapasya nito kundi ang bata mismo kung siya may sapat na mag-iisip upang makapagdesisyon.

Sa kasong Grande v Antonio, G.R. No. 206248, February 18, 2014 ay ma­liwanag na sinabi ng Supreme Court na (I)n Calderon v. Republic, this Court, upholding the best interest of the child concerned, even allowed the use of a surname diffe­rent from the surnames of the child’s father or mother.

Indeed, the rule regar­ding the use of a child’s surname is second only to the rule requiring that the child be placed in the best possible situation consi­dering his circumstances.

***

xxx. The clear, unambiguous, and unequivocal use of “may” in Art. 176 rendering the use of an illegitimate father’s surname discretionary controls, and illegitimate children are given the choice on the surnames by which they will be known.

Ang ibid sabihin ay aalmin ng korte kung ano ang nais ng bata na ga­mitin at hindi uunahin ang nais ng mga magulang kundi ang choice ng bata kung saan niya gusto siyang makilala at ang pa­ngalawa ay kung ano ang makakabuti sa kanyang interest. Sa edad na 16 ay mayroon na sa­ying sapat na pag-iisip upang mag­desisyon kung anong apel­yido ang gagamitin at hindi mahahadlangan ng na­nay niya kung nais ng anak mo na gamitin ang apelyido mo. Idudulog ninyo sa kor­te ang usapin at ang kor­te ang magde­desisyon sa hiling ng anak mo sa nais na gamitin na apelyido ng anak mo.

Kahit na nga ang isang lehitimong anak ay may karapatang mamili ng apelyido na nais niyang gamitin.