Una sa Balita

Apelyido ng anak gustong palitan

0 521

Dear Atty. Claire,

Maari ko po bang mapalitan ang apeylido ng anak ko gamit po niya ang apeylido ng ama niya ngunit ngayon po ay tinatangi niya na siya ang ama ng anak ko. Maari nyo po ba na mapalitan ko ito?  

Maraming salamat po,
Germie

Ms. Germie,
Base sa kwento mo ay lumalabas na hindi kayo kasal dahil kapag kayo ay kasala ay may presumption na ang ipinagbuntis ng ina ay sa kanyang asawa.

Kung hindi kayo kasal ay maaari ko pa naman na ipabago ang apelyido ng bata kung ang pagpapalit ng apelyido mula sa ama at ang gagamitin ay ang apelyido mo ang siyang makakabuti sa kapakanan ng bata.

Ayon sa ating Family Code:

Art. 176 gives illegitimate children the right to decide if they want to use the surname of their father or not. It is not the father (herein res­pondent) or the mother (herein petitioner) who is granted by law the right to dictate the surname of their illegitimate children.

Sa probisyon na ito ng Family Code  ay  isinasaalang-alang ang karapatan ng bata na mamili ng kanyang gagamiting apelyido.. hindi kagustuhan ng ina or ama ang masusunod kundi ang nais ng bata. Kung ang anak mo sa ngayon ay nasa edad na naiinitindihan na niya ang gusto niya lalo pa at ang ama niya ay ikinakaila siya ay maaari na siyang magsampa ng Petition for Change of Surname sa ilalim ng iyong guardianship upang maipakita ninyo sa korte ang dahilan kung bakit mas makakabuti sa bata na gamitin ang iyong apelyido. Ito ay naaayon din sa naging desisyon ng Sup­reme Court sa kasong Grance v. Antonio, G.R. No. 206248, February 18, 2014.
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 /922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy