Una sa Balita

Apelang ratsadahin dinedma ₱3.7 trilyon national budget kikilatisin ng Senado

By
0 426

SA kabila ng panganga­lampag ng Malacañang, nanindigan si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na bubusisiin ang panukalang P3.7 trilyong national budget bago ito tuluyang isumite sa ­Office of the President.

Aniya, mas malubha ang pagkakaroon ng isang pork-laden budget kaysa sa naantala o reenacted budget kaya mainam aniya na kilatisin ito nang maigi.

“A pork-laden budget is far worse than a delayed or reenacted one,” sabi ni Lacson.

Iginiit din ni ­Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi kasalanan ng Senado ang pansamantalang reenacted budget dahil alam aniya ng Palasyo ang dahilan kung bakit naantala ang kanilang pag-apruba sa 2019 national budget.