Una sa Balita

Apela sa mga deboto: Imahe ng Nazareno huwag hipuin

0 373

Hinimok ‘ng isang opis­yal ng Quiapo Church ang mga deboto na huwag hipuin ang imahe ng Itim na Nazareno sa kasagsagan ng Traslacion 2019 na nakatakdang idaos sa Enero 9.

Gayunman, nilinaw ni Father Douglas Badong na hindi nila pinagbabawalan ang mga deboto na hagkan, punasan, hipuin at sumakay sa karo ng poon pero hindi umano sila hinihikayat ng simbahan na gawin ito, para na rin sa kanilang ka­ligtasan.

Sinabi ni Badong, ang simpleng paglahok lamang sa Traslacion ay sapat na.
Hindi rin naman kina­kailangang sa araw mismo ng prusisyon isagawa ang paghawak sa imahe.

Payo ng opisyal, anu­mang oras sa buong taon ay maaari namang bumisita ang mga deboto sa imahe ng Itim na Naza­reno sa Quiapo Church.

Samantala, tiniyak ng National Capital Regio­nal Police Office (NCRPO) at ng Manila Police District (MPD), na pinaplantsa na nila ang ilalatag na seguridad para sa pista ng Quiapo na inaasahang dadagsain ng milyon-mil­yong deboto.

Nalaman na may 7,200 puwersa ng pulisya ang nakatakdang ipakalat sa mga lugar na daraanan ng prusisyon upang magbigay ng seguridad sa mga debotong sasama sa prusisyon. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy