Una sa Balita

Apela sa DSWD ni Go: Hikahos unahing tulungan

0 507

Iprayoridad ayon kay Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kababayan nating mas higit na nagnangailangan ngayong humaharap tayo sa krisis dulot ng virus na COVID 19.

Sa pahayag, nakiusap si Go na dapat ay agad mabigyan ng tulong ang mga mas nangangailangan tulad ng mga may kapansanan, mga buntis, solo parents, at mga indigenous people.

Tinatawagan din ng senador ang DSWD na agad mabigyan ng mga ayuda ang mga sinasabing nasa “informal economy” ng bansa tulad ng mga tsuper ng mga pampasaherong sasakyan at iba pang mga katulad na trabaho na hindi kikita kung hindi magtatrabaho.

“Gawin natin ang lahat ng pwede nating gawin sa panahong ito. Kailangang maging mapagmalasakit ang mga ahensya ng ating gobyerno at tiyakin na lahat ng sektor ng lipunan ay protektado,” ayon kay Sen. Go.

Gusto ring matiyak ni Go, na hindi kakapusin ng kanilang mga pangangailangan ang publiko na humaharap ngayon sa matinding krisis.

“Kailangan nating maibsan ang hirap na pinagdadaanan ng ating mga kababayan dahil sa sitwasyong ating kinakaharap ngayon,” dagdag ni Go.

Siniguro naman ng senador na hindi tumitigil ang pamahalaan para mapuksa at matigil ang pagkalat ng corona virus o COVID 19.
(Mina Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More