Una sa Balita

Apela ni Perasol, UP sinupalpal ng UAAP

0 238

HINDI tinanggap ng UAAP, Biyernes, ang apelang ginawa ng University of the Philippines (UP) kaugnau sa ipinataw na three-game suspension kay Fighting Maroons head coach Bo Perasol.

Nanindigan si UAAP Season 82 Basketball Commissioner Jensen Ilagan sa additional two-game suspension na binigay nito kay Perasol matapos magsumite ang kampo ng UP ng Motion for Reconsideration nitong Martes.

Matatandaan na nadagdagan ang game suspension ni Perasol dahil sa “continuous flagrant acts of agression” nito kontra kay referee Jaime Rivano sa UP-Ateneo match up nitong Setyembre 29.

Gayunman, nagbabalak rin ang kampo ng UP na ipaabot sa UAAP Board of Trustees ang isyu habang tumitingin pa ng “other legal options.”

Dahil rito, hindi makakasabak sa laro si Perasol sa laban ng koponan kontra FEU (October 6), UE (October 12) at UST (October 16).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy