Una sa Balita

Apela ng dating CDO rep sa kasong graft tablado sa Sandiganbayan

0 430

TINANGGIHAN ng Sandiganbayan ang apela ni dating Cagayan De Oro City Representative Cons­tantino Jaraula na ibasura ang kanyang kaso hinggil sa umano’y maling paggamit ng P3 milyong pondo ng pataba (fertilizer fund) mula Disyembre hanggang Hunyo 2004.

Sa isang resolusyon na inilabas noong Ene­ro 10 ng Second Division, ibinasura nito ang motion for reconsideration at manifestation ni Jaraula sa kakulangan ng merito.

Magugunita na si Jaraula ay sinampa­han ng isang count ng malversation at paglabag sa Section 3(e) at 3(g) ng the Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa diumano’y pagpasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Philippine Social Deve­lopment Foundation Inc. (PSDFI) para sa pamama­hagi ng mga fertili­zer sa lungsod.

Ayon sa prosecution, ang MOA ay disadvantageous umano sa pamahalaan dahil ang PSDFI ay ‘di nakabatay sa lungsod at ang pinagmumulan umano ng pondo nito ay galing sa mga donasyon at taniman na bayad galing sa mga kasapi nito.

Sinabi pa ni Jaraula na dapat iutos ng Sandiganbayan sa Ombudsman ang kanyang apela subalit tumanggi ang una. (Riz Dominguez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy