Una sa Balita

Apektado ng Taal Volcano hinatiran ng tone-toneladang bigas ng Palayan City

0 428

TONE-TONELADANG bigas, canned goods at iba pang pagkain ang agarang ipinadalang tulong ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas sa Batangas City na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sakay ng dalawang 16 wheeler trak ang iba’t ibang relief goods ang ipinamahagi ng mga tauhan ni Mayor Cuevas sa iba’t ibang evacuation center sa Bauan Batangas.

Bukod sa pinagsama-samang tulong ng mga residente ng Palayan City ay nagbigay din ng ayuda ang pamilya ng Alkalde.

“Very critical kasi ang bawat oras na dumadaan para sa mga evacuess, kasi wala pang tulog at kulang sa pagkain ang karamihan sa kanila” ani Mayor Cuevas.

Sinabi pa ni Mayor Cuevas, dalawang araw pa lang nang sumabog ang Taal ay nasa Batangas na ang kanyang mga tauhan upang magsagawa ng relief operation.
Aniya, nagtulong-tulong ang mga tauhan ng Palayan City Disaster Response Office, Bureau of Fire at mga kawani ng city hall para i-repack ang mga bigas, delata, tubig, toiletry at iba pa na ipinamigay mismo sa mga evacuee.

Pinasalamatan ni Mayor Cuevas ang mga empleyado ng Palayan City dahil halos walang tulog para ma-repack ang mga relief goods kaya mabilis na naipadala sa mga kababayang Batangueno.

Nagpasalamat naman si Batangas Gov. Hermilan­do Mandanas sa kaloob na tulong ng Palayan City.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More