Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Apektado na ng pandemya: Dingdong todo emote kina Zia, Ziggy

0 66

Nasenti ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes bilang isang tatay. Magkasunod ang post na ginawa nito sa kanyang dalawang anak.

Nauna na ang bunso na si Sixto V, pero ang tawag niya pala ay “Joselito.” Sabi pa ni Dingdong, “I think Joselito fits him more.”

Second birthday na ni Sixto o Ziggy o Joselito pero hindi pa talaga nito nararanasan ang magkaroon ng birthday party na may mga bisita, palagi kasing natatapat na naka-lockdown. Last year, kasagsagan ng enhanced community quarantine. At ngayong taon naman, naka-modified enhance community quarantine. Pero knowing Dingdong at higit sa lahat si Marian Rivera, sigurado naman na wala man mga bisita muli, tiyak na inihahanda na ng mga ito na maging memorable pa rin ang second birthday ng anak.

Ikalawang pagka-senti naman ni Dingdong ay sa panganay na anak. Mukhang umiiral na kay Dingdong na tulad ng ibang mga magulang, nakikita at alam nilang hindi na mapigilan ang paglaki ng mga anak nila.

Sabi ni Dingdong kay Zia, “Hey Z, not too fast please—on the bike and, oh well, in growing-up.”

Sa isang banda, kahit nga natigil din sila sa maraming plano outside the house at ibang mga naka-line-up na projects sana, siguradong isa sa babalikan nina Dingdong at Marian ang 2020 ang mahigit isang taon na nakasama at nakita nila ang paglaki ng dalawang anak habang nasa bahay.

If not with the present situation now, sigurado na luxury na ito sa mga katulad nilang busy working parents at mga sikat na artista pa ng bansa. (Rose Garcia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.