Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Apektado kay Ulysses 3.67M katao na

0 167

Umakyat na sa higit 3.6 milyon ang mga indibidwal na naitalang naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa Luzon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of November 20 ay 891,457 pamilya o 3,672,521 katao na ang apektado ng bagyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga apektadong indibidwal ay naitala sa 6,169 barangay sa Ilocos, Cagayan Valley, Gitnang Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Metro Manila, at Cordillera Administrative Region.

Nanatili naman sa 73 ang patay kay Ulysses habang 24 ang sugatan at 19 ang nawawala. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.