Una sa Balita

Apaw hanggang labas ng court

By
0 154

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
6:30 p.m. – Ginebra vs. TNT

Nailusot ng Ginebra ang 106-103 panalo kontra TNT nitong Biyernes para sa 2-1 lead sa kanilang PBA Governors’ Cup semifinals sa Smart Araneta Coliseum.

Tuloy ang hostilidad mamaya sa parehong venue, susubukang tapusin na ng Gin Kings ang serye. Pero asahan ang mas matinding giyera dahil siguradong hindi papayag ang KaTropa na matapos na ang season.

Sa tindi ng nakataya, mataas ang emosyon ng magkabilang panig noong Game 3. Ang resulta ay palitan ng maaanghang na salita mula sa magkabilang kampo.

Umapaw pa sa labas ng court ang patutsadahan na nag-resulta sa insidente sa pagitan nila Ginebra governor Alfrancis Chua at TNT coach Nash Racela nu’ng halftime at halos ay word war nila Kings coach Tim Cone at Racela tungkol sa officiating pagkatapos ng laro.

Dapat lang itong asahan, ayon kay Cone.

“Every time there’s a game and a series the stakes get higher so you get more and more emotional,” ani Tim Cone pagkatapos bumalik ang kanyang koponan mula sa 103-96 na talo sa Game 2. 

“We played with more emotion tonight and I hope we play with emotion in Game 4,” dagdag pa niya. “We didn’t play with emotion in Game 2. We need to play with emotion in Game 4. I’m sure they (TNT) are on the same level, too.” 

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More