Una sa Balita

Apat na centenarian ng Parañaque, binusog ng biyaya

By
0 1,351

APAT na mga centenarian ang tumanggap ng halagang P100,000 sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Parañaque.

Ang naturang halaga ay personal na ipinamahagi ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez sa tatlong matatandang babae at isang lalaki na umabot sa 100 taon ang kanilang edad.

Isa sa apat na centenarian ay kinilalang si Basilisa Gatus ng Brgy. Don Galo na nagdi­wang ng kanyang ika-100 taong kaara­wan noong nakaraang Abril ng taong kasalukuyan. Siya ay may siyam na anak.

Iniabot at ipagkatiwala sa mga kasamang kamag-anakan ng tatlo pang mga centenarian ang tseke ng mga ito na kinilalang sina Ramona Cab­rera ng Brgy. Don Bosco na nagdiwang ng kaarawan noong Pebrero 22, 2018; Josefa Templonuevo ng Brgy. Moonwalk na isinilang noong Enero 19, 1918 at si Teofilo Puchero residente ng Brgy. Don Bosco na nagdiwang din ng kanyang ika-100 kaarawan noong Marso 5, 2018.

Ang mga natanggap na insentibo ng apat ay bunsod na rin sa ordinansa na ipinasa sa Parañaque City Council na may bilang 1516 na nagsasaad ng pagbibigay ng halagang P100,000 sa mga senior citizen na aabot sa 100-taong gulan­g.

Bukod dito, ang mga senior citizen na naninirahan sa lungsod ay binibigyan din ng mga espesyal na pribilehiyo ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) Care Program.

Karagdagan pang biyaya na natatanggap ng mga senior citizen na nanggagaling sa lokal na pamahalaan ay ang halagang P500 tuwing ipagdiriwang ang kanilang kaarawan at ang P500 na ‘cash gift’ tuwing Kapaskuhan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy