Una sa Balita

Anybody’s race sa Super Hapi

0 342

Bakbakan ang 11 tigasing kabayo paglarga ng Super Hapi-PCSO 3-Year-Old Stakes Race ngayong araw sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Nakataya ang P300,000 para sa owner ng mananalong kabayo sa 1,500-meter race na inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Inaasahang papatok sa takilya sina My Jopay at magkakamping Snap Dance at Best Regards dahil sila ang napipisil ng mga tipster na pang-primera.

“Mahirap na karera ito, lahat malaki ang tsansang manalo,” saad ng hinete ni My Jopay na si CP Henson na isang class A jockey.

Aminado rin si former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Patricio Ramos Dilema na rerendahan si Snap Dance.

Ang ibang kalahok ay sina Two Timer, Mood Swing, Toy For The Bigboy, Forest Cover, Gil’s Magic, Serafina at coupled-entry Big Boss James at Melody Amor.

Makakatanggap din ng P112, 500 ang may-ari ng pangalawang kabayong tatawid ng meta habang P62,500 at P25,000 ang ibubulsa ng third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.
Ilalarga ang nasabing karera sa Race 5.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy