Una sa Balita

Anyare sa mga diplomatic protest?

0 312

Sa tuwing pinapasok ng mga barko ng China ang teritoryo ng Pilipinas, naghahain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Kuwento nga ng kalihim ng DFA na si Teodoro Locsin, umabot na 60 ang inihaing protesta laban sa China.

Nakapanlulumo namang marinig na tambak na pala ang inihaing protesta pero hindi pa rin umaatras ang China sa pagbabantay at paglalayag sa mga teritoryo ng ‘Pinas sa West Philippine Sea. Lumalabas tuloy na parang palabas lang ang ginagawa ng DFA para masabing may ginagawa sila.

Hanggang ngayon kasi, matalik na kaibigan pa rin ang turing ng ‘Pinas sa China. Nagbago ang pakikitungo natin sa China simula nang magpalit ng administrasyon noong 2016. Dati kaaway, ngayon BFF na.

Mabuti pa ang isang bata na contestant sa television show, galit sa ginawang pananakop ng China. ‘Yung mga taga-Hong Kong, galit din sa pakikialam ng China sa kanilang teritoryo. Kaya kung maghahain muli ng diplomatic protest ang DFA laban sa China, hindi na ako bibilib dito dahil wala namang nangyayari sa mga protestang ito.

Gumagalang,

Ronnie Labradores

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy