Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anyare sa contract tracing?

0 119

Bumababa ang numero ng mga tinamaan ng COVID pero hindi ito sapat kung maayos ang sistemang ipinaiira lalo na ang contact tracing.

Alam nyo ba na kaya lumulobo ang bilang ng mga nagkakasakit ngayon ay dahil sa wala ng contract tracing na ginagawa.

Hindi na nga tayo magtataka na parami ng parami ang Covid positive ngayon. Kumbaga sa isang teleserye. Si Juan na nag-positive na tatlong tao pa ang nakasalamuha pero tumigil na kay Juan ang istorya.

Hindi na inalam pa ang ibang karakter na kanyang nakasama na maaaring nahawaan ni Juan. Asymptomatic man o hindi.

Kaya huwag na tayo magtaka na padami na ng padami ang mga nahahawa dahil sa wala ng contact tracing na ginagawa.

Sa sandaling na-trace ang isang may koneksyon sa may COVID dapat ay iku-quarantine ito pero sa kasamaang palad ay hindi na ito nangyayari.

Isa pang scenario dito ay hindi na rin nare-report kung sino ang positibo sa COVID dahil maaari ng isagawa ang test sa bahay lang sa pamamagitan ng mga antigen kits.

Kung ikaw ay magpopositibo nga naman ay wala na ring makakaalam na kung sino man ang makakasalamuha mo pa.

Halimbawa ikaw ay positibo pero dahil ikaw ay isang iresponsableng positibo sa COVID at isang asymptomatic lamang ay lalabas at makikisalamuha ka pa din sa ibang tao.

At kapag me nagpositibo sa nakasalamuha mo, ang iba pang nakasama din ay wala na ding contact tracing pa.

Ito ang rason ng hindi maawat-awat na pagdami ng kaso ng COVID.

Natatandaan ko na sobrang higpit noon sa contact tracing.

Bago pumasok ng isang establisyemento ay kailangan pang mag fill up ng kung anu-ano para ideklara lahat ng tungko sa iyong personal at sitwasyong pangkalusugan.

Ang tanong may silbi ba? May contact tracing pa ba?

Ang sagot ko at marami akong natatanungan na wala na. Isang halimbawa ang isang opisina na may na positibo ng COVID pero bukas pa rin ang opisina at wala ng 2 weeks lockdown na ginawa sa opisina. Hindi ba’t dapat ay may 2 weeks na observation ang mga taong nakasama ni COVID positive? Anyare na?

Dapat ay maging istrikto sa contact tracing kung seryosong kayong malabanan ang COVID at hindi puro propaganda na kabisado na ng taumbayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.