Una sa Balita

Anyare Richard? Sarah ‘di pinayagang makalipad pa-Hawaii

0 508

abante-anything-goes-jun-lalinSa Davao ang punta ng mag-asa­wang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ngayong Holy Week at bukas na ang alis nila.

Pero lolo and lola duties ang mag-asawa dahil kasama nila sa bakasyon na ‘yon ang dalawa nilang apo.

Umalis na kasi pa-Hawaii sina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati (kasama ang panganay na si Zion), pati sina Elvis at Alexa Gutierrez (kasama ang panganay na si Aria), kaya naiwan kina Tito Eddie at Bisaya ang mga apong sina Kai at Ezra.

“Happy naman kami ni Eduardo na mag-aalaga kami ng mga apo,” sabi ni Bisaya.

Kasama rin nila pa-Davao si Esther Lahbati na makaka-share ni Bisaya sa pag-aalaga kay Kai.

Parehong hindi raw isinama sa Hawaii ang mga yaya nina Kai at Ezra, kaya mahihirapan daw kung isasama rin ang dalawang maliliit niyang apo.

“Enjoy naman kami ni Eduardo. At least, kasama namin ang mga apo namin. Saka kasama rin naman si Esther. Bakasyon lang. Maglilibot din kami sa mga simbahan sa Davao,” sabi pa niya.

Kilalang palasimba si Bisaya, kaya siguradong araw-araw ay maglilibot sila sa mga simbahan sa Davao.

Sabi ko nga pala kay Bisaya, bumili siya ng laruang cellphone dahil kapag kasama niya ang kanyang mga apo, pinaglalaruan ng mga ito ang kanyang cellphone kaya madalas na nadi-delete ang kanyang mga app.

One time, gusto ni Bisaya na mag-post ng picture sa kanyang Instagram account (@annabelleramaig), pero  kahit anong hanap niya sa cellphone niya, wala na siyang makitang pictures dahil pinaglaruan lang daw ‘yon ng isa niyang apo at mukhang na-delete.

“Mabuti na lang pina-save ko ang password, kaya nakapag-download uli ng Instagram (app) sa cellphone ko,” sey niya.

Habang nagde-deadline nga pala ako, biglang tumawag si Bisaya para sabi­hing hindi natuloy sina Ri­chard, Sarah at Zion na umalis. Nagkaroon ng problema kay Sarah na bukod sa Filipino citizen ay Swedish citizen din (dual).

Wala naman kasing visa talaga ang mga Swedish kapag nagpupunta sa USA, pero kailangan ng ESTA (Electronic System for Travel Authorization).

“Noon kasi, sandali lang namin nagagawa ‘yon, pero ngayon, sa computer (online) na mag-apply and usually, 72 hours ang approval, kaya hindi na nakaalis sina Sarah kagabi,” kuwento ni Bisaya nang tawagan niya ako kahapon.

Ginabi na nga raw sila sa airport dahil kinailangan nilang ayusin ang bagong booking nina Ri­chard, Sarah at Zion.

Bale sa Thursday na raw makakaalis ang tatlo at deretso na sila sa Maui kung saan ay a-attend sila sa kasal ng anak ng family friend nilang si Mary Ann Opeña.

“Pati hotels, inayos na namin. Dapat kasi hanggang sa April 23 lang sila at Oahu muna sila, pero deretso na sila ng Maui then after na sila mag-Oahu. Bale nag-extend na rin sila kaya hanggang April 28 na sila sa Hawaii,” kuwento pa ni Bisaya.

Empress bagong ‘babae’ ni Cesar

Balik-pelikula pala si Cesar Montano. The other day ay nag-post si Empress sa kanyang Instagram account (@itsempressita) ng picture nila ni Cesar at sinabing, “It’s such an honor ang makatambal ka sa isang pelikula Direk Cesar. Napakabait na tao.”

Si Cesar din daw ang magdidirek ng pelikulang pagtatambalan nila ni Empress at soon na raw ang simula ng shooting no’n.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy