Una sa Balita

Anxious at stress sa bahay

0 446

Ngayong naka-isang linggo na tayo sa lockdown, marami sa atin ang nas-stress at nakakaramdam ng pagkabalisa o anxiety. Natanggal tayo sa tinatawag na comfort zone ng pang araw- araw na gawain at parang isda na nawala sa tubig at di makalangoy. Malaking bagay ito na dapat tugunan at huwag balewalain dahil maaari din ito makadagdag sa pagbaba ng ating resistensya at immune function.

Ang mga sumusunod ang maaaring gawin. Unang una, huminga ng malalim. Napakadami pa na pwedeng gawin at hindi ito ang katapusan ng mundo natin. Pangalawa ay aminin natin na tayo ay anxious nang sa ganoon ay makakilos na tayo ng mabuti, na siyang susunod na hakbang upang masolusyunan ang nararamdaman nating anxiety. Maging physically active. Hindi kinakailangang sa gym lang ang workout. Ang mag-akyat manaog o pagikot sa bahay lamang ay kilos na. Kumain ng maayos at ng mga masusustansyang pagkain, gaya ng mga matataas sa fiber o hibla at grains o butil, mga prutas gaya ng saging at gulay, pati na kalabasa at isda. Iwasan ang mga processed na karne, mga piniritong pagkain, sobrang matatamis at matataba. Ang mahalaga ay huwag hindi kumain o laktawan ang oras nang pagkain. Iwasan din ang alak at sobrang kape, mas mainam na uminom nang tsaa, mapa green o black tea, lalo na ang chamomile tea. Kasama na ang gatas, fresh vegetable at fruit juices gaya ng cherry juice at higit sa lahat ay uminom ng madaming tubig.

Isa pang dapat iwasan ay ang paninigarilyo, pati na ang mga bawal o regulated na mga droga dahil mas nakakalala ito ng anxiety. Itong panahon ng lockdown at quarantine ay napakagandang pagkakataon talagang makapagrelax at pahinga. Makinig sa musika, nakakatulong ito.

Maghanap ng pagkakaabalahan, gaya ng magbasa, magsulat, gumuhit o magdrawing at painting. Pwede din ang gardening, pananahi, o kung ano man ang hilig.

Higit sa lahat ay mapagusapan ang mga inaalalahanin. Makipagusap sa mga kasama sa bahay. Kung sa kasamaang palad na nagiisa sa bahay, tawagan ang mga kamag anak o kaibigan. Kahit walang aktuwal na pakay, ang simpleng pangungumusta at pakikipagkwentuhan ay nakakapawi na ng stress at anxiety. Kung walang oras noon, ay napakadami na natin nyan ngayon.

Alalahanin natin na may bukas pa. Ang kaligtasan natin sa Covid-19 ay mahalaga at pumirmi sa bahay ang pinakamahalaga. Huwag tayong mastress at ituring na preso ang ating tahanan. Ito ang ating kaharian at tayo ang namumuno nito.
Hanggang sa susunod na Martes!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, at radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn). Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More