Una sa Balita

Antonio, Young nakisalo sa 2nd

0 289

AYAW magpaawat sa pananalasa ni Pinoy GM Rogelio ‘Joey’ Antonio matapos pisakin si Peter Olsson ng Sweden sa round four ng FIDE World Seniors 2019 Chess Championships Biyernes ng gabi sa Rin Grand Hotel sa Bucharest, Romania.

Nakalikom na si Antonio, 57, ng 3.5 points sa 50-and-above cate­gory matapos ang 46 moves ng Ruy Lopez win kay Olsson.

Makakalaban ni Antonio sa Round 5 si GM Milos Pavlovic ng Serbia sa event na ipinatutupad ang 11 rounds Swiss System format.

Related Posts

Ang kampanya ni Antonio ay suportado ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez at ng Prage Management Corporation (Abante/Abante Tonite).

Kaparehong puntos ni Antonio ang kababa­yang si IM Angelo Young na panalo kay GM Artashes Minasian sa 43 moves ng Sicilian Rossolimo.
Sina Antonio at Young kasama pa ang 10 manlalaro ay nakisalo sa 2nd spot. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy