Una sa Balita

Antonio sa Pasay ‘Big Event’

0 867

BIGATING grupo ng sabong champions ang magpapang-abot sa Pasay City Cockpit para sa pasabong nina Engr. Celso Salazar at Tony Lasala, ang “Tiger Shark and NML San Luis Big Event 6-Cock Derby” ngayong Biyernes, Marso 1.

Si sabong idol Patrick Antonio, kampeon sa 2019 World Pitmasters Cup at runner-up sa 2019 World Slasher Cup 1, ang mangunguna sa mga liyamado ngayon.

Kakasa sina 2018 ‘Digmaan’ solo runner-up Femie Medina, Calasiao Big Event 7-Cock champion Cholo Violago, CJ Tolentino, NCA double champion Arman Santos, Charlie “Atong” Ang, RJ Mea, Gerry Teves, Gov. Ito Ynares, Gerry Ramos, PL2 Malainin group, Richard Perez, Gerald Go, Ricky Magtuto, Willard Ty, Mandy Garcia at Jojo Cruz. 

Inaasahang aabot sa P2 milyon ang premyo sa derbing ito hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Kasunod na sa PCC sa Mar. 8 ang “PL2 Malainin 5-Cock Derby” ng Batangas group.

Nakalinya rin ang “Ripper Big Event 6-Cock Derby (Mar.15), Fa Fa Fa 6-Cock Derby (Mar. 22) at Be My Guest 6-Cock Derby (Mar. 29).

Tawagan lamang ang 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy