Una sa Balita

Antonio sa Online magtutulak

0 580

KANSELADO ang mga tournament dahil sa ipinatutupad na enhance community quarantine lockdown sa Luzon, may social distancing at hindi basta-basta Nakakalabas ang mga tao.

kAYA nakaisip ng paraan ang mga organizer ng chess, maglulunsad ng 1st Philippine National Bullet Chess Championship online at dahil safe sa mapanganib na coronavirus ay nagsaad ng paglahok ang mga tigasing chess players .

Isa sa mga kasali ay si 13-time National Open champion at Abante chess columnist GM Rogelio “Joey” Antonio Jr.

“Tamang-tama itong tournament na Online Chess, kasi lockdown ang Luzon at dapat sa bahay lang kaya eto maglalaro tayo ng tournament sa Online,”saad kahapon ni Antonio. “Sumunod na tayo sa gobyerno, makakalaro pa rin tayo ng chess.”

Magsisimula ang torneo ngayon (March 21) kung saan ay sasabak din si reigning National Open champion Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr.
“First leg starts on March 21, 2020, 1pm every Saturday thereafter (10 qualifying legs, one semifinal and Grandfinal),” sabi naman ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Atty. Cliburn Anthony Orbe.

Ang iba pang mga lalaro ay sina International Master Chito Garma, Fide Master Arden Reyes, Henry Roger Lopez, Chester Neil Reyes, Aurelio Haber at National Master Stewart Manaog Jr.

Tatangap ang qualifying legs topnotcher ng P3,000, ang semi-final winner ay magbubulsa ng P6,000 habang ang tatanghaling grandfinals winner ay hahamig ng P30,000. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More