Una sa Balita

Antonio nakadalawang sunod

0 248

SUMIKSIK sa 8th place si Pinoy GM Rogelio ‘Joey’ Antonio matapos pagulungin si FM Dale Haessel ng Canada sa round 3 ng FIDE World Seniors 2019 Chess Championships Huwebes ng gabi sa Grand Hotel sa Bucharest, Romania.

Nakalikom si 57-year-old Antonio ng 2.5 points upang samahan ang 14 na woodpusher na nag-aagawan sa pang-walong puwesto sa event na ipinatutupad ang 11 rounds Swiss system.

Pangalawang sunod na panalo ni Antonio, kalahating puntos lang ang hinahabol niya sa mga nangunguna sa 50-and-above category.

Ang kampanya ni Antonio ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez at ng Prage Management Corporation (Abante/Abante Tonite).

Sunod na makakalaban ni Antonio si Peter Olsson ng Sweden sa Round 4.
Hindi naman nagpadaig si IM Angelo Young, may 2.5 puntos din siya matapos nitong pisakin si IM Peng Kong Chan ng Singapore.

Makakalaban ni Young si GM Artashes Minasian ng Armenia. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy