Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Antonio markado sa Asian Seniors

0 183

MALAKI ang tsansa ni World Seniors vice champion GM Rogelio Antonio, Jr. na magdomina sa 2020 FIDE Asian Seniors Zone 3.3 online chess championships.

Makakalaban ni Antonio at 29 pang Pinoy woodpusher ang 14 foreign participants sa Cambodia, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Mongolia, Myanmar at Vietnam.

Sa pitong bansa na nabanggit, tanging ang Malaysia at Myanmar ang titled player na ipinadala tampok sina IM Jimmy Liew at IM Naing Myo.

Tig-isang player lang ang ipinadala ng Vietnam at Indonesia.

“I’ll do my best.,” saad ni Antonio. “It’s always an honor for me to play for our country.”

Magiging mahigpit ang bakbakan kapag nagharap na ang top three players sa bawat Zone. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.