Una sa Balita

Anton naantig ang puso sa yakap ni Kyla

By
0 438

Masaya na raw si Anton Ante­norcruz sa pagkakasama niya sa Top 6 at bilang 4th place­r sa grand finals ng secon­d season ng Tawag ng Tanghalan sa ‘It’s Showtime’ kamakailan at hind­i raw siya bitter sa pagkapanalo ng 16 years old na si Janine Berdin.

Although, gusto rin talaga manalo ng binata dahil 26 years old na raw siya at ilang singing contest na rin ang nasalihan niya sa telebisyon, habang si Janine ay marami pa raw sanang magiging chance na salihan at manalo.

Unang sumali si Anton sa ‘Are You the Next Big Star?’ sa GMA 7 kung saan umabot lang daw siya sa top 20 at si Fran­ceska Farr ang tinanghal na grand winner.

Pangalawang sali ng guwapong flight attendan­t ay sa ‘X Factor’ sa ABS-CBN kung saan naman nanalo si KZ Tan­dingan. Kagrupo niya si Michael Pangilinan under Martin Nieverra na pareho raw silang hindi pini­ling manatili ni Michael sa laban ng Concert King.

Ako ay Pilipino na ina­wit ni Kuh Ledesma raw ang unang natutunang kanta ni Anton nu’ng graduation nila sa pre-school, habang 12-anyos daw siya unang luma­ban sa singing contest sa school nila sa Novaliches.

Hindi raw siya sumali sa mga amateur singin­g contest sa mga bara-barangay dahil hindi raw bagay ang mga kinakanta niya noon.

Malaking implu­wensy­a raw sa kanya ang mga idolo niyang sina Jay-R at Kyla na R&B ang genre ng mga kanta, kaya raw sobrang na-touch siya kay Kyla matapos ang Tawag ng Tanghalan grand finals dahil niyakap daw siya nito sa backstage at sinabing, “Huwag kang mag-aalala, kakanta pa tayo”.

Bukod sa pag-awit ay gusto raw subukan ni Anton ang pagsayaw at pag-arte since contract star na siya ng Kapamilya network for five years. Pero tinutulungan din siya ng kanyang kaibigan na fashio­n designe­r at stylist dati ni Marian Rivera during Marimar days, (sa tulong ng dalawang lady director na sina Joyce Bernal at Irene Villamor­) at Dennis Trillo, na si Odeson Simpao na parang tumatayong co-manager na rin.