Una sa Balita

Antok na driver nakasagasa

0 403

NASAWI ang isang 19-anyos na estudyante habang sugatan ang kasama nito nang banggain ng isang inaantok na driver na sa halip na preno ay accelerator ang naapakan sa Dasmariñas City, Cavite.

Isinugod pa sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang biktimang si Elise May De Guzman ng 038 Jose Abad Santos St., Salitran 1, Dasmariñas City Cavite subalit namatay din habang ginagamot­ habang patuloy na inoobserbahan ang kasama nitong si Yumilka Shin Calahati, 19, isa ring estudyante ng B14 L24 Phase B Woodlane Subd., Brgy. Malagasang 1-A Imus City Cavite.

Inaresto naman ang driver ng isang Mitsubishi L300 van na may conduction sticker na NR 8114 na si Jeffrey Balidoy, 26, ng National­ road Pintung Gubat Paliparan III, Dasmariñas City Cavite.

Sa ulat ni Pat. Norman Guerra ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-10:40 kahapon ng umaga ero habang binabagtas ng suspek ang lugar ay nakaramdam ito ng antok at manaka-nakang inaapakan ang brake ng sasakyan hanggang sa umano’y tuluyang nakatulog kaya imbes na brake ang kanyang naapakan ay ang accelerator nito dahilan upang dire-diretso ang takbo ng sasakyan hanggang sa lumihis pakanan at nabangga ang mga biktima na noon ay tumatawid sa kalsada. (Gene ­Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More