Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Antiviral pill umarangkada na sa S. Korea

0 46

Sisimulan na ng South Korea ang pamamahagi ng antiviral pill na gawa ng kumpanyang Pfizer para sa mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19.

Sa ngayon ay may 630,000 pill nang sapat lang sa 21,000 katao ang ipamimigay.

Ang nasabing mga gamot ay ibinahagi na sa 280 na botika at 90 na residential treatment centers.

Sinabi ni Kim Ki-nam ng Korea Disease Control and Prevention (KDCA) na malaking tulong ang nasabing mga gamot para masolusyunan ang tumataas na kaso ng coronavirus.

Nabatid na ang South Korea ang itinuturing na unang bansa sa Asya na gagamit ng Paxlovid matapos itong magkaroon ng `go signal’ o mabigyan ng emergency use authorization noong Disyembre.

Leave A Reply

Your email address will not be published.