Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Antique tutol sa lockdown ng sementeryo

0 119

Mananatiling bukas ang mga sementeryo sa Antique sa Undas, ayon mismo kay Governor Rhodora Cadiao.

Ito’y kahit pa minungkahi na ni National Task Force against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez na ang pagsasara ng mga sementeryo sa Araw ng mga Patay para maiwasan ang mass gathering sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon naman kay Cadiao, dapat ay ipaubaya ng national government sa mga LGU na magdesisyon ukol sa pagsasara ng mga sementeryo.

Lahad pa ng gobernadora, ipapatupad nila ang striktong social distancing, pati na rin ang pagsusuot ng face mask at face shield para sa mga dadalaw sa sementeryo.

Plano din na hindi payagan ang mga senior citizen at bata na makapasok sa Undas. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.