Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Antique resort, hotel gawing quarantine facility

0 382

Kailangan ng pag-apruba ng Department of Health (DOH) ng mga resort at hotel sa Antique province para magsilbing quarantine facilities ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at locally stranded individuals (LSIs).

Ayon kay DOH-Antique team leader Dr. Feman Rene Autajay ang nasabing mga establisiyemento ay ikinukunsiderang quarantine centers dahil sa kakapusan ng isolation facilities sa lalawigan.

Sinabi pa ni Autajay na bagama’t ikinukunsiderang isolation facilities ang mga resort at hotel ay wala pa rin humihingi ng sertipikasyon mula sa DOH.

Karamihan sa ginawang quarantine center sa 18 bayan sa Antique ay pawang public school pero hanggang Hulyo15 lamang ito ipinapagamit ng Department of Education.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.