Una sa Balita

Antipolo City ginawaran ni Duterte bilang ‘Most Business-Friendly LGU’

0 395

IGINAWAD ni President Rodrigo Duterte ang pagkilala ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares bilang ‘Most Business-Friendly LGU’ sa katatapos lamang na 45th Philippine Business Confe­rence & Expo kamakailan sa Fiesta Pavilion, Manila Hotel. Panalo ang Antipolo sa City Category Level 2 dahil sa best practices at innovation nito pagda­ting sa pamamahala at pagsuporta sa local business community.

“Pinasasalamatan ko po si Pangulong Rodrigo Duterte gayundin ang PCCI sa paggawad ng parangal sa ating lungsod. Isang malaking karangalan na mapabilang sa mga bayang kinikilala bilang katuwang ng business community at nagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya. Walang ti­gil po naming isusulong ang mga programang mag-aangat sa antas ng kabuhayan ng mga mamamayan. Naniniwala po kami na malaki man o maliit na negosyo, bete­rano man o baguhan, ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa ating lipunan. Buong-puso ko rin pong pinasasa­lamatan ang bawat kawani, ahensya, at sektor na nagsama-sama at nagtulong-tulong para makamit natin ang karangalang ito,” sabi ni Mayor Ynares.

Kabilang sa mga nakiisa at nagbahagi ng mensahe ng suporta sa naturang expo sina Pa­ngulong Duterte, Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, at PCCI President Alegria Limjoco.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy