Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anti-Terror IRR nilabas ng DOJ

0 49

Inilabas na ng Department of Justice (DOJ) on implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020,tatlong buwan matapos na maisabatas.

Nabatid na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas nitong Hulyo 3 at naging epektibo noong Hulyo 18.

Gayunman, ang nabanggit na batas ay nahaharap sa 37 petisyon na inihain sa SC na kumukiwestiyon sa legalidad sa ilalim ng Konstitusyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Guevarra na ang ATA IRR ay inirehistro online at ang kopya ng IRR ay ipu-post ng DOJ para lumabas sa mga pahayagan.

Magugunitang kinuwestiyon ng mga petisyuner ang probisyon na maaring iditine ang isang pinaghihinalaang terorista sa loob ng 24 na oras kahit wala pang kaso na naisampa laban sa kanya.

Nalaman na sa IRR lilinawin kung ano ang dapat o hindi dapat gawin para makatugon sa batas pero mananatiljng parehas ang kahulugan ng “terror”. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.