Una sa Balita

Anti-Narvasa owners kumambiyo, nakikipagkompromiso

By
0 18

Napag-isip-isip ng ibang PBA teams, lalo na ng mga owners, na kasali sa mga ayaw kay commissioner Chito Narvasa na mukhang masyadong naging marahas ang kanilang na­ging reaksyon.

“Hindi mismo iyung mga nasa harap ng teams, kundi iyung mga nasa itaas nila ang sumima­ngot sa ginawa ng kanilang mga representante sa PBA Board,” sabi ng insider.

“Kaya ang order sa ibaba e ayusin na agad ang problema,” dagdag pa ng source.

Abante Hiring – IT dep

“Magkaroon ng compromise, kahit ano, basta magkasundo-sundo lahat.”

Takdang magbukas ang ika-43 season ng PBA sa Dec. 17 at inaasahang maayos na lahat ng problema sa magkabilang kampo.

“Ayaw kasi ng mga nasabing owners na masira ang isang grupo na matagal ng magkakasama.

Parang pamilya na ang turing ng isa’t isa at ayaw ng mga nasabing owners na mabuwag ang pamilya.”