Una sa Balita

Anti-K to 12 protesters, dederetso kay Digong

By ,
0 7

Nananawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) kay incoming President Rodrigo Duterte na seryosong aksyunan ang kawing-kawing na problemang hatid ng pagpapatupad ng K to 12.

Ayon kay Raymond Basilio, tagapagsalita ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), matagal nang binabalewala ang suliraning nakadikit sa K to 12 at dahil sa pagdedma rito ay lumala na.

“Ang tagal-tagal nang dine-deny nila ang problema sa ating senior high schools ngayon, delubyo ang tawag namin doon hindi lang sa basic na kinulang ka e,” sabi ni Basilio sa isang panayam kahapon.

Hindi pa nga aniya na-address ang mga problema sa 10 years basic education o mga dati nang problema ay dinagdagan pa ito ng dalawang taon.

Sa ngayon umano ay may petisyon ng inihain sa Supreme Court (SC) ang ACT tungkol sa usapin at ito ay on-going na dinidinig.

Binanggit ni Basilio na hindi pa nakakausap ng kanilang grupo sa ngayon si incoming Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones na nauna nang nanindigan na sinusuportahan niya ang K to 12 education system at naniniwala itong kailangan na ng bansa ang ganitong sistema.