Una sa Balita

Anti-human trafficking, itutuloy pa rin

By
0 6

Hahanap pa rin si Justice Sec. Emanuel Caparas ng paraan para sa pagsugpo sa sindikato ng human trafficking sa bansa kahit hindi na siya ang chairperson ng inter-agency council against trafficking.

Sa kanyang talumpati bilang keynote speaker sa 2nd International Dialogue on Human Trafficking na ginanap sa Asian Institute of Management Conference Center sa Makati City, sinabi ni Caparas na ang isyu ng human trafficking ay hindi lamang usapin sa Pilipinas kundi ito ay isang global community issue na nangangailangan ng agarang pagtalima.

Binigyan-diin ni Ca­pa­ras na ang Pilipinas sa pa­­ngunguna ng DOJ ay seryoso sa laban nito upang mapanagot ang mga indibidwal na nasa likod ng human trafficking. Sa katunayan aniya sa loob ng 6 na taong pagkakatatag ng Inter-agency council Against Trafficking ay marami nang conviction ang naitala nito laban sa mga nasa likod ng human trafficking. May mga sindikato na rin ang nabuwag at maraming biktima ang nasagip.