Una sa Balita

Anthony, Tautuaa pupunan ang pagkawala ni Stanley

0 289

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
4:30pm — Rain or Shine vs. NorthPort
7:00pm — Meralco vs. NLEX

Nawala na ang pinakamalaking star ng NorthPort, pero hindi titiklop ang Batang Pier.

Katunayan, hindi na tinumbok ni coach Pido Jarencio ang four-player, two-team trade na nagdala kay Stanley Pringle sa Ginebra kapalit nina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer. Inaprubahan na ni PBA commissioner Willie Marcial ang deal kahapon.

Sa halip na pro-blemahin ang pagkawala ni Pringle, naka-focus ang NorthPort sa laro mamaya kontra Rain or Shine na kapareho nilang galing sa back-to-back wins.

Nakadalawang laro pa lang si Pringle sa Commissioner’s Cup, pero sa pangunguna nina Sean Anthony, Jonathan Grey, Mo Tautuaa, Paolo Taha at rookie Robert Bolick, kahit hindi gaanong impresibo si import Prince Ibeh ay umangat ang Batang Pier sa 5-1 card sa likod ng tournament leader TNT (6-1).

Game-time decision si NorthPort guard Nico Elorde, inabot ng strained hamstring sa 102-99 win kontra Magnolia noong June 12. Kuwestiyonable rin si Grey (sprain).

“Rain or Shine is a strong team and with (Denzel) Bowles getting his rhythm they are hard to beat,” ani Jarencio. “We must play with intensity and consistency throughout the game.”

Dikdikang laro din ang inaasahan ni coach Caloy Garcia.

“It’s gonna be a tough game for us, seeing how NorthPort has been playing,” anang Elasto Painters coach. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy