Una sa Balita

Anthony, NorthPort ginilitan ang Magnolia

0 207

SINANDIGAN ng NorthPort Batang Pier ang walong sunod na puntos ni Sean Anthony sa huling 1:06 minuto ng laro upang makisalo sa liderato sa pagpapalasap ng 102-99 kabiguan sa Magnolia Hotshots sa eliminasyon ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Kinolekta ni Anthony ang kabuuang 22 puntos, walong rebounds, apat na assists at limang steals upang bitbitin ang Batang Pier sa ikalawang sunod na panalo at kabuuang ikalima sa loob ng anim na laro.

“We did pretty well in the defensive end. Magnolia is a good team but we play heads up,” sabi ni Anthony.

Itinala pa ng Batang Pier sa layup ni Paolo Taha ang pinakamalaki nitong abante sa 16 puntos sa ikatlong yugto, 70-54, bago na lamang unti-unting nagtangkang bumalik ang Hotshots na nagawang lumapit sa limang puntos na lamang sa 91-96.

Ibinagsak ng Batang Pier ang kabuuang 32-20 bomba sa ikalawang yugto upang unang maagaw ang abante sa 42-41 bago nito tinapos ang unang hati ng labanan na bitbit ang limang puntos na abante sa 48-43.

Nagawa pang itala ng Magnolia ang 10 puntos na abante sa 10:33 minuto ng ikalawang yugto mula kay Paul Lee na ipinasok ang isang jump shot para sa 28-18 iskor. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy