Una sa Balita

Anthony nanawagan sa mga kapwa atleta

0 1

Nanawagan si NBA star Carmelo Anthony kahapon (Manila time) sa mga atleta na “lumabas” at “humingi ng pagbabago,” makaraan ang pamamaril ng mga pulis na kinamatay ng dalawang negrong lalaki at ng limang opisyal na mga alagad din ng batas sa Dallas.

Hinayag ni Anthony, ang New York Knicks forward na nakatuon sa unprecedented third men’s Olympic basketball gold medal sa Rio de Janeiro sa Agosto 5-21, ang mensahe niya sa social media sa paghimok sa manlalaro na manawagan ng pagbabago sa sistemang tinawag niyang “Broken. Point blank period.”

“I’m calling for all my fellow ATHLETES to step up and take charge. Go to your local officials, leaders, congressman, assemblymen/assemblywoman and demand change. There’s NO more sitting back and being afraid of tackling and addressing political issues anymore.”

Abante Hiring – IT dep

Limang opisyal ang mga nasawi, at pitong police at dalawang civilians ang mga nasugatan pa sa Dallas noong Huwebes ng gabi  sa sniper-style attack sa peaceful protest kontra police brutality sanhi sa pagpatay kina Alton Sterling sa Louisiana at Philando Castile sa Minnesota.

Giniit ni Anthony, 32, na ang adbokasiya niya sa sosyal na hustisya ang higit na mas mahalaga kaysa ang manahimik at matakot sa paglayo ng mga sponsors.

“We can’t worry about what endorsements we gonna lose or (who’s) going to look at us crazy. I need your voices to be heard,” mariing wika ni Anthony.

Hinirit ng 14-year NBA veteran, na payag siyang manguna sa pagkilos pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring mga tao na mga nagpaparamdam.

“I’m all about rallying, protesting, fighting for OUR people. Look I’ll even lead the charge, By Any Means Necessary,” bahagi pa ng post niya. “We have to be smart about what we are doing though. We need to steer our anger in the right direction.”

“Our anger should be towards the system… We have to put the pressure on the people in charge in order to get this thing we call JUSTICE right.”