Una sa Balita

Anthony naglalaway sa unang Korona

0 442

SA unang pagkakataon sa nine-year career sa PBA, nasuklian na rin ang sipag at dedikasyon ni Sean Anthony sa laro.

Napasama ang NorthPort do-it-all forward sa Mythical Team at All-Defensive Team ng nakaraang season, tinanggap ang pagkilala sa opening night ng 45th season noong March 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa pagtutulungan nina Anthony, Christian Standhardinger at import Michael Qualls ay nilusaw ng Batang Pier ang twice-to-beat ng NLEX sa quarterfinals ng Governors Cup ng nagdaang season.

Naawat ang Batang Pier sa semis nang sipain ng eventual champion Ginebra.

Sa kanyang 10th year, uhaw si Anthony sa titulo. Dumating na ang individual awards niya, gusto niya namang magtaas ng tropeo ang kanyang team.

“I’m not so worried about the individual thing,” anang Fil-Canadian. “The big thing is the team win a championship and that’s my biggest motivation.”

Maghihintay muna si Anthony at ang Batang Pier, dahil kinansela ang Philippine Cup bunga ng coronavirus. Hindi pa sigurado kung kailan itutuloy ang conference.

July pa makakabalik ang kamador ng NorthPort na si Robert Bolick (knee), sina Anthony at Standhardinger muli ang babalikat sa team.

Makakasama nila ang balik-NorthPort na si Kelly Nabong, at ang bagong dating na si LA Revilla na makakatuwang sa backcourt ni Nico Elorde. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More