Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Antetokounmpo nambarako

0 137

Nambarako ng 27 points at 14 rebounds si Giannis Antetokounmpo at sinuwag ng Milwaukee ang Atlanta 129-115 Linggo ng gabi.

Kinapos ng dalawang assists si Antetokounmpo para makumpleto ang triple-double.

Nag-mabag si Bobby Portis ng 21 points, may 19 si Khris Middleton at maagang nakalsuhan ang two-game skid ng Bucks.

Wala sa Hawks si leading scorer Trae Young (back spasms) at si center Clint Capela (sore right hand).

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ipinasak sa puwesto ni Young sa starting lineup si Rajon Rondo na nag-deliver ng 7 points, 7 assists.

May pinagsamang 66 points sina De’Andre Hunter at John Collins pero hindi naisalba ang Atlanta.

Outscored ang Hawks sa paint 60-30, nangamote rin sa rebounding department 51-38.

Umagwat ng hanggang 58-36 sa second quarter ang Bucks, naibaba sa 94-83 ng Hawks pagkatapos ng third quarter. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.