Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Antetokounmpo ginaya si James

0 318

TAPOS na ang All-Star Game, tinanggap na ni Giannis Antetokounmopo ang MVP trophy pero inihabol pa ng Greek Freak ang kantiyaw kay LeBron James.

Kinuha ni James ang two-time reigning MVP ng Milwaukee Bucks sa draft para maging starters ng Team LeBron.

Sa State Farm Arena sa Atlanta noong Linggo, perpektong 16 of 16 sa field at 3 for 3 sa labas ng arc si Antetokounmpo tungo sa 35 points.

Parehong 8 for 16 sa 3-pointers sina Stephen Curry at Damian Lillard sa 170-150 win ng Team LeBron kontra Team Durant.

Sa postgame, napagdiskitahang gayahin ni Antetokounmpo si James sa kanyang 2016 title speech.

Tinaas ni Giannis ang All-Star Game MVP trophy bago nagwika: “Milwaukee, this for you!”

Pamoso ang linya ni LeBron nang itaas ang championship trophy matapos kalusin ang Golden State.

“Cleveland, this for you!” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.