Una sa Balita

ANSABEEEH???: WINWYN AT MARK, HIWALAY NA?

By
0 127

winwyn-markBakit may mga ­ba­litang ­nakarating sa akin na ­‘di u­mano ay break na sina Mark Herras­ at Winwyn ­Marquez?

Una ay sa pamama­gitan ng isang netizen na nag-PM sa amin ng mga Instagram postings daw ni Mark kung saan, halatang may pinagdadaanan na naman ito.

Gayundin ang palitan daw nila ng comments ni Winwyn na parang sa palagay naman namin ay pinapalakas naman ng Miss World candidate #9 ang loob ni Mark.

Mukhang emo-emo nga si Mark na may post na, “Lost again… no more future for me thank you for this life”

Tsinek namin ang ­Instagram posts ni ­Winwyn at matagal-­tagal na rin nga na wala itong ­masyadong post na may konek kay Mark. ­

Habang si Mark naman, kaka-­repost lang ng video nila ni Winwyn at nagta­tanong kung kailan daw ang next trip nila ni Pangga.

Pangga ang term of endearment niya sa girlfriend. Hindi nag-comment, pero nag-like naman si Win sa post ni Mark na ‘yun.

Kumpara sa PM ng netizen sa amin, mas napaisip kami sa ­kuwento ng isang showbiz ­insider tungkol sa dalawa na ang tinutumbok­, may balitang break na nga raw. 

Malinaw ang sinabing dahilan ng naturang showbiz ­insider kung bakit daw nag-break pero hindi na lang muna namin isusulat lalo na’t wala namang kumpirmasyong break o sila pa rin.

Pwede rin naman kasing busy lang talaga si ­Winwyn at si Mark naman, hindi masyadong busy dahil wala pa siyang bagong project.

At sana nga ay ‘di naman totoo ang isyung ito dahil tuwing kausap namin si Mark, sobrang ­in-love at sure na itong si Winwyn na ang gusto niyang makatuluyan.

Pero ‘yun lang, kung totoo rin ang kuwento ng showbiz insider sa amin, ay parang same old story ha? Huh!

ROCHELLE, NATATAKOT PABUNTIS KAY ARTHUR!

Limang araw na lang at kasal na nga nina ­Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan. Nakausap ­namin ang dalawa sa kangaragan pa rin nila ng mga last minutes wedding preparation nila bago sila umakyat days before their wedding sa ­Tagaytay.

Excited na si Rochelle sa wedding gown niya na by today ay siguradong nasa kamay na nito all the way from Dubai. Si Michael ­Cinco ang gumawa ng wedding gown ni ­Rochelle.

Ang nakakatawa sa dalawa, si ­Rochelle pa ang nati-tense at kung ano-ano ang iniisip. Habang si ­Arthur ay relax na relax lang.

Parang si Arthur tuloy ang mas sure na sure na sa pagpapa­kasal. Umapela naman si Rochelle, ready na ready na rin naman daw siya. Mas yung mga iniisip daw niya ay yung after the wedding.

Nakausap pa raw niya si Camille Prats nang mag-guest sila sa Mars at ang dami raw niyang tanong dito at marami rin naman daw itong binigay na pointers sa kanya.

Kaya naman pala nagwu-worry si ­Rochelle, kabado na ito kapag nabuntis at nanganak. ­Sobrang takot daw siya sa ­injection at ‘yung thought na ­manganganak siya.

Nangingiti-ngiti lang naman si Arthur sa magi­ging Misis. Aniya, hinahayaan lang niya si Rochelle na maramdaman nito ang lahat ng emosyon ng pagiging bride-to-be.

Katulad ng iba, back to work sila after the wedding. May gagawin na raw bagong project si Arthur while si ­Rochelle naman, waiting lang sa ­susunod niyang gagawin after Encantadia.

Ang Honeymoon nila ay posibleng early next year pa at ­Italy ang ina-eye nila.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More