Una sa Balita

ANSABEEEH???: WILLIE, NAGPAPAHANAP NG ‘BABAE’ KAY ARIELLA!

By
0 1

ariella-willieKahit na inili-link kay Willie Revillame, hindi namin nakitaan si Ariella Arida na affected siya rito base sa mga naging sagot niya sa press nu’ng ipa­kilala siya as Cosmo Skin GSE celebrity endorser. Isa si Ariella sa mga co-host ni Willie at umpisa pa lang daw, relax na siya agad sa show.

“Noong unang pasok ko nga, hindi ko na-feel na bago ako. Hindi ako na-intimidate kasi, welcome ka talaga sa buong staff at ‘yung turingan niyo sa isa’t isa, family talaga,” sabi niya.

Para kay Ara, nasa tao naman daw talaga ‘yun. Kaya hindi naman daw siya nagkaroon ng anumang warning sign sa isipan niya na magiging co-host siya ni Willie, na puwede siyang ma-link dito o baka ligawan siya.

Abante Hiring – IT dep

Hindi rin daw niya na-feel man lang na nagpaparamdam ito sa kanya. Natatawang pambubuko pa niya, “nagpapahanap pa nga sa akin, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!”

At saka, bago pa raw siya maging part ng Wowowin, meron na raw siyang non-showbiz boyfriend. Alam din daw ito ni Willie at kahit daw ang boyfriend niya, hindi rin naman nakakaramdam ng selos.

Inamin naman ni Ara na generous raw talaga si Willie. In fact, naregaluhan na siya nito ng Louis Vuitton na bag. At hindi raw totoong nakatanggap na siya ng Hermes bag mula rito.

“Sana nga, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Pero hindi, generous talaga siya. Sabi nga ng iba, mas generous pa raw dati, eh, ngayon lang tingin ko, sobra na ‘yun pala dati pa.”

At saka, kapag nagbigay naman daw ito, hindi lang sa isa, kadalasan ay sa lahat.

Bukod sa pagiging beauty queen, TV host, gusto rin ni Ara na pasukin talaga ang mundo ng showbiz. So far, feeling niya nga raw, nagiging komedyante na siya.

Masaya rin siya dahil sa pagtitiwala sa kanya nga­yon ng Cosmo Skin GSE (Grape Seed Extract) bilang pinakabagong celebrity endorser. First endorsement of its kind ni Ara ang Cosmo Skin GSE na talagang nagagamit daw niya at effective sa skin niya.

Ipinakilala si Ara kasama ang Mr. International Brazil na si Ivo Cavalcanti last Friday.

DANIEL, PAOLO, AT DINGDONG,
BAKBAKAN SA THE EDDYS!

Naglabas na ang SPEED ng kanilang kauna-una­hang nominees for The Eddys (Editor’s Awards) at halos nanguna rin ang karamihang indie films na ipinalabas noong isang taon tulad ng Pamilya Ordinaryo, Ang Babaeng Humayo, Saving Sally at Die Beautiful.

Ang Everything About Her lang ang nakapasok na mainstream film sa list of Best Film, pero all choices are deserving for the Best Film category. Siyempre, may personal choice na kami, pero wait namin ang magiging taste at choice talaga ng mga SPEED members.

May kutob kaming hindi makakalimutan ni Rhian Ramos ang The Eddy’s Awards dahil talagang napansin nang husto ang ipinakita niyang pag-arte sa Saving Sally at mga bigating artista ang kahanay niya para sa Best Actress award. 

Nandiyan lang naman sina Hasmine Killip, Jaclyn Jose, Vilma Santos, Charo Santos, Nora Aunor at AiAi delas Alas na halos lahat yata, nanalo na rin ng award sa mga pelikulang nominado sila.

Another surprise at tiyak na marami ang natutuwa ay kay Daniel Padilla na nominado rin para sa movie na Barcelona: A Love Untold na sa totoo lang, siya talaga ang masasabing nagdala at napansin sa naturang pelikula. At kalaban niya sina Paolo Ballesteros, Enzo Marcos, Ronwaldo Martin at Dingdong Dantes.

Special awardee naman sina Boy Abunda for Joe Quirino Award, Lav Diaz for Manny Pichel Award at Regal Films para sa pagiging Most Active Producer of the Year.

Sa Valencia Events Place ginanap ang launching at announcement ng mga nominees headed by SPEED President, Isah V. Red at launching pa lang, pasabog na ang The Eddys  Editor’s Awards dahil may mga pa-raffle ang mga ito sa lahat ng dumating na press.

So, how much more pa nga kaya sa awards night mismo sa July 9, sa KIA Theater with father and son tandem, Edu and Luis Manzano as hosts. May delayed telecast ng 11pm sa ABS-CBN na hatid ng VIVA LIVE at ABS-CBN.