Una sa Balita

ANSABEEEH???: Sunshine, winner ang pagka-FIERCE!

By
0 167

Sa unang pagkakataon, pagkatapos na diumano ay mahuli ni Sunshine Dizon ang asawa na si Timothy Tan at ang sinasabing kabit daw nito na si Clarisma Sison ay nagkaharap-harap ang tatlo sa office ni Senior Prosecutor delos Santos sa DOJ Building ng Quezon City Hall.

Magkakasunod halos duma­ting ang tatlo. Nauna si Timothy, sumunod si Clarisma na dumiretso na sa opisina at hindi nag-grant ng kahit anong interview mula nang dumating hanggang makaalis at may sa­riling bodyguard. Wala ito halos ginawa kung hindi ang magtago sa likod ng kanyang bodyguard.

Saka pa lang dumating si Sunshine na ginulat ang lahat dahil sa kaseksihan na nito.

Kasama nilang tatlo ang mga lawyers nila at wala rin nagawa si Clarisma nang i-allow ng prosecutor na makapasok ng ilang minuto ang media sa loob ng opisina niya para makuhanan ng picture ang tatlo, bago sinimulan ang preliminary investigation.

Dalawang kaso ang isinampa ni Sunshine sa dalawa, VAWC at Concubinage. Pero wala pang ilang minuto, lumabas na si Sunshine sa opisina.

Ang dahilan, nakiusap ng reset ang dalawa, lalo na raw si Tim para sa extension ng pagpapa-file nila ng counter affidavit. Kaya naman sa August 25 muli ni-resched ang hearing.

Super like naman ang pagiging fierce ni Sunshine at ang mga litanya nito na akala mo, linya niya lang sa kanyang epic fantaserye na Encantadia bilang si Adhara.

Nang tanungin ito kung ano ang naging reaksiyon niya nang makita niya ang dalawa sa opisina ng prosecutor, buong ningning na sinabi ni Sunshine na, “You know what honestly, homewrecker like her doesn’t need any reaction. I will not dignify her with anything because she’s too low for me.”

Kung inakala man daw ni Clarisma na eeksena siya sa hearing, pwes, nagkamali ito. Ang bongga rin ng litanya ni Sunshine na ayaw niyang madumihan ang kamay niya kung sakali at sasampalin niya ito.

Eh, hindi rin naiwasan ni Sunshine na maging emosyunal nang mabanggit niya ang mga anak.

Aniya, “I’m getting emotional because of the pain they caused on my children, not me anymore, kasi kaya ko naman.

“Pero ‘yung sakit na dinaanan ng mga anak ko, ‘yan ang walang kapatawaran. But if she’s thinking that I will do something here to make eksena, no, I will not do that. She’s too low and I will not dignify her with anything, baka ibang tao nasampal siya, pero ako, hindi ko padadapuin ang kamay ko, baka madumihan.”

Tinanong din namin si Sunshine kung galit ba ang nararamdaman niya para sa sinasabing naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila?

“Kahit baligtarin ang mundo, sinira niya ang pamilya ko,” ang may diing sagot ng aktres.

Bago ang hearing, may usap-usapan na kesyo makikipag-settle na raw si Tim kay Sunshine, pero hindi ito nangyari.

Sa ngayon, sinabi rin ni Sunshine na civil ang relasyon niya sa asawa at wala na siyang nararamdamang anuman dito, parang awa pa nga raw ang napi-feel niya sa ama ng mga anak niya.

Nabigyan din ng visitation right si Tim sa mga anak nila kaya nakakasama na nito ang mga bata. Kung sakali at dumating ang panahon siguro na lumambot ang puso ni Sunshine kay Tim, hindi na kami magugulat bilang ama pa rin ito nina Anton at Doreen.

But it seems, it’s another scenario when it comes to Clarisma.

Sey ni Sunshine, “No, I want this to be a lesson to all the homewreckers out there, ‘di ba? Na hindi niyo—hindi basta-basta kayo may karapatan na manira ng pamilya, lalo na ang mga anak.

“Because it’s the children who suffers. So ako, as a legal wife, I am standing my ground and I will fight for my right, ‘di ba? Hindi na uso ngayon yung iiyak-iyak ka lang sa isang tabi at hindi ka lalaban, ‘di ba?”

Sa isang banda, consistent pa rin si Sunshine na hindi niya ibibigay ang annulment para sa asawa at makitang maging madali para sa dalawa. Baka legal separation pa raw, but not annulment.

Itinanggi rin ni Sunshine ang mga paratang sa kanya ng iba na kesyo may gusto pa o naghahabol pa siya kay Tim kaya ayaw niyang magpa-annul.

Katwiran nga niya, kung naghahabol ako, eh ‘di sana, hindi ko siya idinemanda.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy