Una sa Balita

ANSABEEEH???: SUNSHINE, IMBYERNA KAY RYZA?

By
0 3

Marami talaga ang may gusto sa tambalan nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz bilang mga bida at bida-kontrabida sa isang serye. Halos mga teenager pa lang yata sila, sila na ang magka­batuhan ng mga linya at madalas nga magka-away o magkaribal.

Kaya marami ang natuwa sa pagpasok ni Angelika sa nangungu­nang daytime series na Ika-6 Na Utos. Bongga ‘yung naisip ng kauna-­unahang PPL Live sa Facebook page ng PPL Entertainment, Inc. na pinagsabay silang mag-live.

Nilinaw naman ni Sunshine na kahit palagi silang nagbabangayan ni Angelika sa mga serye, sa totoong buhay ay malapit talaga silang magkaibigan.

Abante Hiring – IT dep

“Marami ang hindi nakakaalam na si Angel e, kumare ko at matagal na kaming magkaibigan,” sabi ni Sunshine.

‘Yung ginagawa at napapanood daw sa kanilang dalawa ni Angelika ngayon sa Ika-6 Na Utos, mas marami pa raw silang matitinding fight scene at bangayan o talakan in their past serye.

“Actually, parang mas marami­ pa nga kaming worse na ginawa ni ­Angel sa mga pinagdaanan naming soap kaya parang maning-mani na ito sa ngayon.

“And actually, it’s such a ­relief working with Angel right now. Kapag kami ang magkaeksena, ­tala­gang ­todo-bigay. Hindi namin iniisip ang maraming bagay. Ako ­talaga ­personally, hindi ako nahihirapan kaeksena si Angel.

“Sanay na sanay na kasi ­kaming dalawa. At saka, alam ko talaga na walang maitatapon sa script kapag si Angel ang kaeksena mo. Halimaw ‘yan! Parang si Gabby Eigenmann na kaeksena mo.”

At pinasagot talaga sa PPL Live kay Sunshine, though walang binanggit na pangalan ng co-star niya sa Ika-6 Na Utos kung totoo ang isyung ­totohanan na raw talaga ang nagiging fight scene nila. At ‘di umano’y galit siya rito.

“Gusto niyo ba talagang sagutin ko? Ha! Ha! Ha!” sabi ni Sunshine.

At paliwanag naman niya, ­“Hindi po totoo ‘yan. Kasi meron nga ­kaming fight director which is si Direk ­Baldo Maro. Pero siyempre, it’s a little ­frustrating and offensive for me na may lumalabas na ganyan na nana­nakit ako kasi hindi totoo ‘yan.

“I’ve been working for almost three decades now at wala akong ­history na nananakit ng kapwa. ­Siguro si Angelika herself can attest to that ­dahil mas matagal kong naging ka-trabaho si kumare at wala naman po akong ganyang sakit na nananakit.”

Tila may banta pa si Sunshine sa huli na, “Kung saan man po nang­gagaling ang balitang ‘yan, I hope they end this soon kasi, baka mag­salita ako e—.”

Ang host ng PPL Live na si Jhai Ho ang natatawang nagtuloy ng tila banta ni Sunshine na, “baka nga manakit na siya!”

Nabanggit din ni Sunshine na may nakarating daw talaga sa kanya na ­salita na hindi talaga niya nagustuhan.

“Ayoko nang i-elaborate. Pero ­siyempre, ang pangit lang dahil pagkatao ko na. May mga bagay rin kasi na you also have to draw a line. Iba kasi ‘yung pagkatao lang at iba rin ‘yung kumbaga, nayuyurakan sa mga ganyang balita.

“Kasi to be honest, wala naman akong ganyang ugali.”

Hindi man tinukoy kung sino ang co-star na pinag-uusapan sa isyung ‘yun sa PPL Live, may mga nag-iisip at nagtatanong kung si Ryza Cenon daw ba ito dahil sila naman ang palaging nag-aaway bilang sina Emma at Georgia.