Una sa Balita

ANSABEEEH???: Solenn, mas naging hot nu’ng mag-asawa!

By
0 160

Grabe rin naman itong si Solenn Heussaff, kahit na nag-asawa na, parang mas lalo pa siyang naging hot sa pani­ngin ng kanyang mga followers, lalo na sa mga kalalakihan.

Ginulat ng Encantadia star bilang si Cassiopeia ang kaniyang mga followers sa Instagram nung mag-post ito ng isang semi-nude photo recently, na kuha sa Bali, Indonesia.

Umani naman kaagad ng positive feedback ang post na ito ni Solenn kung saan, nakatakip lang siya ng isang native hat.

Samantala, ibubunyag na ni Solenn ang kanyang sikreto kung paano napapanatili ang kanyang sexy figure sa kanyang book na “Hot Sos” na mabibili na sa mga bookstores sa mga susunod na araw. Dito ay ipapakita niya ang ilan sa mga routines at exercises na kanyang ginagawa para ma-achieve ang kanyang sexy body.

Gandang Gabi, Bato!

Minsan nang nasabi ni Clarence Delgado na kapag nag-graduate na siya sa Goin’ Bulilit, hihinto na raw siya sa pag-aartista at magku-concentrate sa pag-aaral, eh, consistent honor student din kasi ang bagets. At ang alam namin, target nitong makapasok sa Science school.

Pero mukhang nagbago na yung hihinto sa pag-artista, unang-una, si Clarence ang isa sa most reliable GB kid. Tulad ngayon, kun’saan si Clarence ang nag-iimpersonate kay Bato sa segment na Gandang Gabi Bato.

And find out kung gaano ito nakakatawang kiddie impersonator ng controversial na si Bato.  Bukod dito, mapapanood din ang selda gags, maybe patrol, dalaw gags at water prof sa Pinoy sketch.

Naalala namin ang sabi ng director ng GB na si Direk Edgar Mortiz na medyo hindi pa nila mapa-spoof at mapag­laruan sa comedy si President Rodrigo Duterte bilang maselan ang mga focus nito which is drugs and crime, so at least, pasok naman si Bato.

Bago ang Goin’ Bulilit ngayong araw, mauuna munang sumaya at makitawa sa solid na grupo ng Banana Sundae.

At siyempre, tuwing Sabado ng gabi ang pinagbibidahang sitcom nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na Home Sweetie Home.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy