Una sa Balita

ANSABEEEH???: Solenn boluntaryong nagpa-drug test

By
0 107
Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Hindi masyadong busy si Solenn Heussaff, huh!

Meron lang naman siyang mga shows sa GMA 7 ngayon tulad ng A1 Ko Sa ‘Yo, Taste Buddies, TriPinas at Encantadia. ‘Yung huli, nag-enjoy raw talaga si Solenn bilang Cassiopeia. Masaya ito sa magandang feedback na natatanggap niya sa kanyang character.

At mas happy pa dahil sa mataas na rating ng fantaserye nila ngayon. Sabi nga niya, “talagang pinaghihirapan naman kaya sobrang happy.”

Pupunta rin daw sila nina Glaiza de Castro at Rocco Nacino sa Dubai para sa Encantadia pa rin.

At ‘yun nga, bukod sa mga shows niya, kaka-release lang din ng ikatlong album ni Solenn ngayon at this time, it’s a self-titled album under Universal Records.

Siya raw mismo ang namili na this time nga, “Solenn” naman ang title ng album niya dahil sey niya, “I wanted it to be the ref­lection of my current status. That I’m just happy, content.”

Kakakasal lang din niya kay Nico Bolzico and obviously, everything is a bliss for her. ‘Yung pagkakaroon ng baby, siyempre naman daw, it’s on their plan kaya nga rin sila nagpakasal to have their own family.

Inamin din ni Solenn na dahil din sa ilang write-ups daw na nakarating sa kanya na parang pinagbibintangan siya na into drugs. Not that she was affected by it, pero siyempre naman daw, it’s not nice na may ganun. Kaya naman voluntary na siyang nagpa-drug test para malaman nila na she’s clean on it.

At ayon kay Solenn, nandu’n din ang support niya sa campaign na ito ni PDigong.

Gladys made in USA ang ipinagbubuntis

Gladys Reyes
Gladys Reyes

Imagine, noong kausap pala namin si Gladys Reyes sa presscon ng kanyang panghapong-serye, ang Oh, My, Mama!, buntis na ito, pero hindi pa niya alam.

Kailan lang daw niya nakumpirma.

Eh, noong kausap namin siya, talagang ayaw na nitong mabuntis kahit ang mister niya na si Christopher Roxas ay wish pa talagang madagdagan ang kanilang tatlong anak na sina Christopher, Aquisha at Grant.

So, sabi nga namin kay Gladys nang maka-chat namin, si Christopher ang nagwagi.

Eh, kauuwi lang ni Christopher kahapon mula sa bakasyon sa America at ang ganda ng pagsalubong niya rito. Tuwang-tuwa nga nang mag-post ng status sa Facebook account niya dahil mas lalo raw itong inspirado ngayong mag-trabaho dahil madaragdagan ang anak nila.

Nag-home pregnancy test muna si Gla­dys dahil bigla raw siyang nakakaramdam ng hilo at naging sensitive ang pang-amoy niya. Ang sure, made in USA ang pang-apat nilang anak.

Sabi niya, “Yes, made in US for sure. Kasi nagkaroon pa ako before kaming pumunta. Hindi ko lang alam kung San Francisco or Miami, Ha! Ha! Ha!”

Hirit naman namin sa ­kanya, baka sa ilalim ng Golden Gate Bridge dahil sa mga hiritan namin noong kausap siya tungkol sa sex-life nilang mag-asawa na kahit 12 years na silang kasal, eh, mukhang bongga pa rin.

Speaking of pagiging bongga, keri naman kahit mag-anak pa talaga si Gladys, dahil naman ang ganda ng genes nilang da­lawang mag-asawa na puro guwapo at maganda ang mga anak nila, ‘no!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy