Una sa Balita

ANSABEEEH???: Sharon, nakakalula ang koleksyon ng bags, alahas!

By
0 225

Ang sipag ni ­Sharon Cuneta na mag-post sa kanyang Instagram account ng mga perso­nal niyang gamit. Puwedeng ­isipin ng makaka­kita na iniya­yabang ng Megastar ang kanyang mga mamahaling bags at maging ang mga alahas niya, pero naalala namin minsan na pinost niya rin at sinabing ipu-post nga niya ang mga bags niya pero hindi para ipagyabang.

Though of course, hindi pa rin mawawala na may nagkukuwestiyon sa mga comments kung bakit nga niya ‘yun ginagawa.

Sa lahat ng posts ni Sharon, halos naka-tag ang anak na si KC Concepcion. Tulad ng kuwento nito na si KC raw ang nagregalo sa kanya ng ­dehumidifying cabinet kunsaan, safe ang nga mamahaling bags niya.

At dahil sa rami ng branded bags niya, siya na ang bumili ng iba pang ganung cabinet. Ang bisyo lang naman daw niya ay books, magazines at bags. At ang iba pa niyang bag, pamana na from her Mommy Elaine.

Anyway, naaliw naman ang ilang followers ni Sharon dahil sa palitan nila ng comment ni KC nang i-tag din niya ito sa mga post niyang alahas daw kasama ang mga importanteng documents, love letters, old photos at iba pa na ang maki­kita ay ang mga 6 feet tall fire proof safes.

Nagtanong kasi si KC na, “Mom why are you tagging me?”

Naaliw kami sa sagot ni Sharon sa anak at tinawag pa itong “tange”.

Aniya, “I just want! So if I die, you know what else I have. Tange!”

Inggit na inggit naman ang ibang IG followers niya sa mga pinu-post niya at masuwerte raw ang tatlong babaeng anak ni Sharon sa mga mamamana sa ­kanyang bags at alahas.

Enchong, pumalag sa P1K budget ng CHR! 

Bilib kami kay Enchong Dee. Isa lang si Enchong sa mga artista ngayon na hindi takot mag-voice-out ng saloobin niya pagdating sa pulitika at gobyerno.

Isa si Enchong sa sobrang dismayado sa pagpasa ng House of Congress sa ­panukalang budget para sa CHR o Commission on Human Rights.

Bukod sa tinawag ni Enchong na mga “useless” ang pulitiko, nagpahayag din siya na ititigil na niya ang pagra-rant sa social media dahil hindi rin naman daw siya naririnig o pinapakinggan.

“I will try to stop ranting about this government because I’m not being heard anyways, I will focus on the good because we need more of it today.”

Pero marami sa mga followers niya ang nakiusap na ituloy lang nito ang ­ginagawa lalo na ang pagpuna sa palagay niyang hindi tamang ginagawa ng present administration. Kilalang supporter naman si Enchong ni Vice President Leni Robredo.