Una sa Balita

ANSABEEEH???: SANDARA AT ROBI, LIHIM NA NAGTATAGPO SA KOREA?

By
0 134

robi-sandaraSiguradong mabubuhay na naman ang isyu sa pagitan nina Robi Domingo at Sandara Park. Spotted daw kasi ang dalawa sa South Korea na magkasama. Kaya parang na-confirm sa nakakita na totoong may relasyon nga ang dalawa.

Ang isyung ito ay itinanggi na ni Robi during the height of his break-up with Gretchen Ho.

Kanya-kanya naman ng reaksyon ang mga fans. Merong naniniwalang may something daw talaga between Robi and Sandara. At feel nila na nagi-effort daw na magpunta si Robi sa South Korea.

Pero marami rin kaming nabasa na nagsasabing hindi magwu-work dahil long-distance relationship. Sey pa ng isang fan, hindi raw bet ni Sandara ang LDR.

May mga umaapela naman at nagsasabing imposible raw na maging sina Sandara at Robi dahil sina Sandara raw at ang KPop singer na si GDragon at may secret relationship daw ang dalawa, huh!

Anyway, ang tanong, totoo nga kayang nasa South Korea si Robi? At kung totoo man, aaminin kaya nito, at aaminin din kaya na si Sandara ang pinuntahan niya or dahil magkaibigan naman sila, nag-meet na lang?

Kung may ibang nanghihinayang at naghu-hope pa rin na magkabalikan sina Robi at Gretchen Ho, positibo naman ang ibang comments na pareho naman daw single ang dalawa kaya walang masama kung sila man.

VANESS DEL MORAL, NAGMAKAAWA NA
MAKABALIK SA ENCANTADIA!

Matagal nang namatay ang karak­ter ni Vaness del Moral bilang si Gurna sa Encantadia. Pero ayon sa Kapuso actress ay araw-araw pa rin niyang nami-miss ang mga kasamahan sa Encantadia.

Hindi pa rin daw tumitigil ang kulitan nila sa group chat at updated pa rin siya sa buhay ng mga dating kasamahan.

Ayon pa kay Vaness, madalas din siyang nagdadala ng pagkain sa set para mangamusta at dumalaw. Pagbibiro pa nga nito, sinasadya niya si Direk Mark Reyes para piliting bumalik siya sa serye.

“Sabi ko, baka pwedeng ibalik niyo muna ako. Baka pwedeng mabuhay muna ako katulad nina Hagorn,” kwento pa niya.

Ayon sa kanya, welcoming ang buong production tuwing dumada­law siya. Pero ‘yun nga lang, meron na siyang bagong serye, ang Impostora kung saan, kon­trabida muli ang role niya.

Samantala, nagkita na ang mag-iinang Reyna Minea (Marian Rivera-Dantes), Pirena (Glaiza de Castr­o), Alena (Gabbi Garcia) at Danaya (Sanya Lopez).

Sinubukang kausapin ng magkakapatid si Reyna Minea para gamutin ito gamit ang kanilang brilyante, pero nanaig ang kasamaan na bumabalot sa kanilang ina at sinaksak si Alena. May pag-asa pa kayang mabuo ang kanilang pamilya?

Tatlong linggo na lang ang Encantadia kaya mas lalo pa itong nagiging exciting kada-episodes.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More